GMA Logo Rayver Cruz and Julie Anne San Jose
What's Hot

Julie Anne San Jose, umaming special na rin sa kanya si Rayver Cruz

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 18, 2022 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz and Julie Anne San Jose


Ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Julie Anne at Rayver? Alamin dito.

Aminado si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose na espesyal na rin sa kanya ang aktor na si Rayver Cruz.

Sa intimate birthday party ni Julie ay sinabihan na siya ni Rayver ng "mahal kita" at nangakong maghihintay siya hanggang maging handa si Julie.

"Gusto ko lang sabihin is nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal, kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at kay Tita. Palagi lang ako nandito. Mahal kita. Happy birthday," mensahe ni Rayver.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, umamin na si Julie na malapit na rin sa kanyang puso si Rayver.

Aniya, "He's very special, he's very dear to me as well. Importante din siyempre 'yung support ng aking pamilya na nakakaramdaman ko rin naman talaga, and sobrang naa-appreciate ko naman talaga."

Para naman kay Rayver, mas lalo pang lumalim ang pagsasama nila ni Julie kahit na matagal na silang magkakilala.

Saad niya, "Dati pa naman kaming close, e, pero defintiely now, mas closer. Hindi ko ma-explain, e, ibang closeness siguro."

Bukod kay Rayver, ilang Kapuso stars din ang um-attend ng birthday celebration ni Julie noong May 16. Tingnan ang kanilang mga larawan dito: