GMA Logo The Skywatcher
What's Hot

'The Skywatcher,' parating na sa GMA!

By Jimboy Napoles
Published May 19, 2022 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr: 3 more EDSA Busway stations in 2026
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

The Skywatcher


May bagong magpapakilig gabi-gabi sa GMA!

Hanggang saan mo kayang protektahan ang iyong minamahal kung wala na siyang maalala sa inyong nakaraan?

Inihahandog ng GMA Network at Heart of Asia ang isang de kalibreng Taiwanese drama na maghahatid ng kakaibang kulay sa inyong panonood gabi-gabi --- ito ang The Skywatcher.

Subaybayan sa fantaseryeng ito ang kuwento ni Zandro (Mike He), isang mortal na sa hindi inaasahang pangyayari ay naging tagapagligtas ng mga tao laban sa mga masasamang espiritu na gumagambala sa mundo.

Pero bukod sa pagiging 'Ghost King,' nais niya rin protektahan ang kanyang minamahal na si Lady Meng, isang babaeng nagbibigay ng Meng Po soup, isang pagkain na nagpapawala ng ala-ala ng mga namayapa sa mundo upang hindi na nila ito dalhin sa kanilang bagong buhay.

Ngunit sa pagkasira ng tulay ng pagkalimot ay kasama si Lady Meng (Ivy Shao) sa napunta sa mundong ibabaw. Sa kabila nito, imbes na maging mortal, ang kanyang kakayahan na makakita ng mga espiritu ay nanatili sa kanya.

Ano ang mangyayari sa muli nilang pagtatagpo ni Zandro kung nakalimutan niya na ito? Kung nabura na ang kanyang ala-ala sa kanyang isip, nabura rin kaya sa kanyang puso ang kanyang pagmamahal?

Abangan ang The Skywatcher, malapit na sa GMA!