
Taos-pusong nagpasalamat ang baguhang aktres na si Shanelle Agustin sa gabay at tulong ng kanyang direktor sa upcoming GMA Afternoon Prime series na The Fake Life na si Adolf Alix, Jr.
Sa Instagram, ibinahagi ni Shanelle ang larawan nila ng batikan at award-winning na direktor.
Maikling sulat ni Shanelle, "with Direk @aalixjr."
Nag-reply naman dito si Direk Alix at sinabing, "Hope you are enjoying the process @shanelleagstn."
Sagot naman ni Shanelle, "I appreciate all the help you've given me Direk. The challenge really took me out of my comfort zone. Thank you for always being so willing to help me."
Sa The Fake Life, gagampanan ni Shanelle ang isa sa dalawang anak nina Onats at Cindy, na gagampanan ng mga batikang aktor na sina Ariel Rivera at Beauty Gonzalez.
Mapapanood na ang world premiere ng The Fake Life sa June 6 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Raising Mamay.
Samantala, mas kilalanin pa si Shanelle sa mga larawang ito: