What's Hot

David Licauco, nakakapag-focus sa trabaho sa tulong ng exercise, basketball, at meditation

By Marah Ruiz
Published May 23, 2022 1:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Kasama ang exercise, basketball, at mediation sa good habits ni David Licauco para manatiling focused sa trabaho.

Good habits daw ang sikreto ni Kapuso actor David Licauco para manatiling focused sa trabaho.

Kabilang sa kanyang routine ang regular exercise, basketball, at meditation.

David Licauco workout

Sinisimulan daw ni David ang kanyang araw sa pamamagitan ng 30 minutes hanggang isang oras ng jogging. Susundan naman niya ito ng strength and conditioning exercises tulad ng weightlifting.

Kung may oras pa, naisisingit pa raw niyang mag-basketball kasama ng kanyang mga kaibigan tuwing weekend or kaya sa gabi pagkatapos ng trabaho.

"It already became a habit na kung hindi ako mag-workout, hindi ako makaka-function. 'Pag nag-workout kasi, mas energetic ka, mas nakakapag-isip ka ng maayos and siyempre phyically fit din. Healthy tayo dapat," pahayag ni David.

Pagdating naman sa pagkain, hindi raw strikto si David sa sarili.

"Okay lang naman mag-kanin as long as balanced 'yung kinakain mo. Kung mag-workout ka, for example, nag-workout ka ng 500 calories, I think it's okay to eat about 800 calories. Kahit ano, puwede 'yan--kahit ice cream pa 'yan or kanin or whatever. It's okay as long as balanced lang," lahad niya.

Para naman sa kanyang mental health, regular din si David na nagme-meditate.

"Meditating, it helps me be in the moment, stay in the moment. Ang tendency kasi ng mga tao is maraming iniisip throughout the day. Siyempre 'pag maraming iniisip, mawawala 'yung focus mo sa trabaho or sa pag-aaral," paliwanag ng aktor.

Patuloy din daw siyang gumagawa ng iba't ibang hakbang para sa self-improvement.

"Nagbabasa rin [ako] ng libro. Kailangan natin ng self-improvement every day," kuwento niya.

Nakatakda rin na magbukas ng physical restaurant si David para sa isang business na sinimulan niya online.

"Kung every day naman open ka sa world, marami kang opportunities na magbubukas for you," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Samantala, silipin ang pinaghirapang physique ni David sa gallery na ito: