
Nagluluksa ang buong team ng international movie na Pasional dahil sa pagpanaw ng beteranong aktor na si Miguel Faustmann na bahagi ng cast ng pelikula.
Ilang araw lang matapos ang shooting ng pelikula sa Pilipinas, inatake sa puso at pumanaw si Miguel.
Miguel Faustmann (left) with Marcelo Melingo and Andrea Torres in Pasional
Ayon sa lead star ng pelikula na si Andrea Torres, hindi raw nila inasahan ang biglang pagkawala ng aktor.
"Ka-share ko lang siya ng food, nag-uusap pa kami, ngatatawanan pa kami. Tapos, 'yun na pala 'yung last time na makikita ko siya. Dapat talaga pahalagahan natin bawat interaction na mayroon tayo sa mga mahal natin sa buhay," pahayag ni Andrea.
May tribute din para kay Miguel ang Malevo Films, isa sa mga movie producers ng Pasional.
"We will miss you, Miguel. All of us who make PASIONAL celebrate your enormous talent and your wonderful human quality. It was a great privilege to share all this time together. You will live on in our hearts. Rest in peace, dear friend," saad nila sa isang Instagram post.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video na ito.
Silipin din ang second half ng shooting ng international movie na Pasional sa Pilipinas sa gallery na ito: