
Sorpresa para sa maraming fans nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas ang makita sila na muling magkasama matapos maging abala sa kanilang magkakahiwalay na mga proyekto.
Sina Kokoy at Elijah ang bida sa hit Pinoy boys' love (BL) series na Gameboys na ipinalabas noong 2020 at nagkaroon pa ng movie version taong 2021.
Kamakailan, ipinost ni Kokoy sa Instagram ang larawan nila ni Elijah na magkasama sa isang resto.
"G!," caption ni Kokoy sa kanyang post.
Pinusuan naman ng kanilang fans ang larawan ng mini reunion nila na ito.
Samantala, mapapanood si Kokoy tuwing Biyernes ng gabi sa multi-awarded at longest-running gag show ng GMA na Bubble Gang.
Upang mas makilala si Kokoy, bisitahin ang gallery na ito: