GMA Logo The Witchs Diner
What's Hot

The Witch's Diner: Magbubukas na ang restaurant na tutupad ng maraming kahilingan!

By EJ Chua
Published May 30, 2022 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI lauds immigration officers posted at manned airports, seaports amid holidays
Cebu Archbishop: There is hope for the Philippines
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

The Witchs Diner


Dark fantasy Korean drama series na 'The Witch's Diner,' mapapanood na mamaya!

Mamayang gabi, magbubukas na ang restaurant ng witch na si Hera (Song Ji-hyo).

Ang kuwento ng pinakabagong dark fantasy drama series na The Witch's Diner ay iikot sa buhay ng kaniyang mga empleyado at customers na makakatikim ng kaniyang masasarap na putahe.

Bukod kay Song Ji-hyo, mapapanood din dito ang Korean actress na si Nam Ji-hyun na gaganap bilang si Jinny at ang aktor na si Chae Jong-hyeop na gaganap naman bilang si Leo.

Ano kaya ang magiging role nila sa restaurant ni Hera?

Iba't ibang pagkain ang ihahain sa Witch's Diner na magiging sagot sa problema ng ilang mga tao.

Ngunit handa kaya sila kapag humingi ng kapalit ang restaurant owner?

Ang kaniyang special meals na kaya ang magiging daan upang matupad ang kanilang mga kahilingan?

Makakamit kaya nila ang kanilang mga pangarap sa tulong ng isang witch at magical powers nito?

Sabay-sabay nating alamin ang mga kasagutan sa The Witch's Diner, mapapanood na mamayang gabi, 10:20 p.m. dito lang sa GMA-7.

Samantala, alamin ang top 10 trending K-dramas na minahal ng mga Pinoy noong taong 2021 sa gallery na ito: