
Sa ika-anim na linggo ng The Herbal Master, inaresto ng awtoridad ang nanay ni Pearl (Namwhan Phulita Supinchompoo) dahil sa paglason nito sa lolo ni Tonio (Mario Maurer) na si Master Thong In. Dahil dito, hinimatay si Pearl at kinailangan siyang tulungan ni Tonio.
Nakaramdam naman ng pagseselos si Carlo (Punjan Kawin Imanothai) matapos makita na magkasama sina Tonio at Chaba (Kimberley Anne Woltemas). Nang dahil sa pagseselos, hinamon ni Carlo si Tonio sa isang laban.
Matapos ang laban ng dalawa, nais alagaan ni Chaba si Tonio ngunit biglang dumating si Pearl kaya tila nagselos ang dalaga.
Nalasing naman si Chaba matapos mainom ang alak na dapat ay nailagay sa halamang gamot para sa mga sugat ni Tonio. Matapos ito, nais pa rin tulungan ni Chaba si Tonio at ipinaghanda pa ng dalaga ang huli ng pagkain.
Balikan ang mga eksena sa The Herbal Master dito.
The Herbal Master: Justice is served!
The Herbal Master: Nagseselos si Chaba!
The Herbal Master: Carlo versus Tonio
The Herbal Master: Chaba versus Pearl
The Herbal Master: Lasing si Chaba!
Patuloy na subaybayan ang The Herbal Master tuwing Lunes hanggang Biyernes sa oras na 11:30 a.m. sa GMA.