
Sumargo na noong Lunes, May 30, ang pinakabagong sports drama series ng GMA, ang Bolera, na pinagbibidahan nina Kylie Padilla, Rayver Cruz, at Jak Roberto.
Sa interview ni Nelson Canlas sa 24 Oras, nagbigay ng payong pag-ibig sina Kylie, Rayver, at Jak para sa isa't isa.
"Ang lagi ko lang naman sinasabi kay Ky (Kylie) na huwag niya lang mamadaliin. I'm sure darating 'yung karapat-dapat para sa kaniya, sa love life niya. Kasi mabuting tao at napakabait ni Ky," mensahe ni Rayver para kay Kylie.
Suportado naman ni Kylie ang pagiging responsable ni Jak pagdating sa buhay pag-ibig. Aniya, "Parang okay na si Jak, masaya nga 'yan 'e. Keep doing what you're doing. Support kita riyan kasi naging responsible ka."
Biro naman ni Jak kay Rayver na ituloy na nila ang kanilang double date.
"Si Rayver ginagawa niya na 'yung tama. Bilib ako riyan kay Rayver, talagang buo ang loob. Bro, basta ituloy natin 'yung double date natin," sabi ni Jak.
Panoorin ang buong interview nina Kylie, Rayver, at Jak sa 24 Oras dito:
Patuloy silang subaybayan sa Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.
Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Bolera sa gallery na ito: