GMA Logo Ken Chan, Rita Daniela, and Bianca Umali
What's Hot

Ken Chan ibinahagi ang pagkakaiba at pagkakapareho nina Rita Daniela at Bianca Umali

By Aimee Anoc
Published June 1, 2022 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan, Rita Daniela, and Bianca Umali


Ano-ano nga ba ang pagkakaiba at pagkakatulad ng leading ladies ni Ken Chan na sina Rita Daniela at Bianca Umali?

Kapwa naging leading ladies na ni Ken Chan sa mga serye sina Rita Daniela at Bianca Umali.

Nakatambal ni Ken si Rita sa Afternoon series na My Special Tatay, Ang Dalawang Ikaw at One of the Baes habang sa primetime series na Mano Po Legacy: Her Big Boss naman nakatrabaho niya si Bianca.

Ayon kay Ken, kung mayroon mang pagkakaiba sina Rita at Bianca ito ay sa pagkain.

"Ito ang difference ni Bianca at Rita, sa pagkain. Si Rita ay favorite niya lahat, talaga. Si Bianca naman pagdating sa pagkain very health-conscious talaga siya. 'Yung mga dinadala niyang pagkain tulad ng rice, ang dala niya adlai rice, mahilig siya sa vegetables," sabi ni Ken.

Dagdag ng aktor, "Si Rita kasi parehas kami ni Rita na kahit ano kakainin namin. Doon naman kami talaga nagkakasundo ni Rita."

Para kay Ken, marami namang pagkakatulad sina Rita at Bianca. Aniya, "Si Rita at Bianca ay parehong maalagain, sobra. Alam nila kung gutom ka na, alam nila kapag malungkot ka, alam nila kung ano 'yung magpapasaya sa 'yo, magaling silang dalawang magluto, magaling silang gumawa ng adobo, sinigang, at pareho silang magaling na aktres."

Patuloy na subaybayan sina Ken at Bianca sa huling tatlong gabi ng Mano Po Legacy: Her Big Boss sa GMA Telebabad pagkatapos ng Bolera.

Samantala, inilabas na ang pinakabagong single ni Ken sa ilalim ng GMA Music, ang "Quaranfling."

Mapapakinggan ang "Quaranfling" sa digital music platforms worldwide.

Mas kilalanin pa si Kapuso actor Ken Chan sa gallery na ito: