GMA Logo Moira dela Torre
What's Hot

Netizens, naglabas ng saloobin sa hiwalayan nina Moira dela Torre at Jason Hernandez

By Aedrianne Acar
Published June 1, 2022 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Moira dela Torre


Tweet ng isang netizen, “Pati langit umiiyak din sa breakup [nina] Moira at Jason”

Marami ang nagulat sa kumpirmasyon ng singer-songwriter couple na sina Moira dela Torre at Jason Fernandez na sila ay hiwalay na.

Matatandaan na marami ang natuwa nang magpasakal ang dalawa noong January 2019 at ngayong taon, ipinagdiwang nila ang kanilang third wedding anniversary.

Pero sa isang statement na nilabas ni Jason kahapon (May 31), sinabi niya na tinapos na nila ang kanilang relasyon.

Umamin din si Jason sa issue ng cheating. Pahayag niya, "[Three] years ago, I married my best friend with the intent of spending the rest of my life with her. Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage,"

Ngayong araw, trending sa Twitter Philippines ang pangalan ni Moira.

Nasa top trending list ang kanta niya na “Paubaya” at ang name ni Jason.

Tweet ni @imzarvinnn patungkol sa mga hit song ni Moira, “This time, Moira's heartbreak songs hit different.”

Nakakaranas din ng pag-ulan ngayong Miyerkules (June 1) sa ilang bahagi ng bansa tulad sa Metro Manila. Post tuloy ni @karenanndgc “'Yung pati langit umiiyak din sa break up [nina] Moira at Jason.”

May ilang netizens din na naglabas ng galit sa mga taong pinipili mag-cheat tulad ng nagawa ng ni Jason.

Opinyon ni @tantamcolauraaa, “With what happened between Moira and Jason, here's a reminder that cheating is not part of a relationship's ups and downs. Never normalize cheating.”

Bumuhos naman ang suporta para sa magaling na OPM singer na dumadaan ngayon sa matinding pagsubok.

Tweet ni @CarinAlejandria para kay Moira, “Please remember that this is not about you. You were enough. You still are. There will be days when you'll go into a cycle of self-doubt, of what-ifs. Grieve. But know that those tears [and] that pain will not be forever. You will pick yourself up again. You are strong.”

Kayo mga Kapuso, ano ang saloobin n'yo sa nangyari sa hiwalayan nina Moira at Jason?