
Isang natatanging pagganap ang mapapanood mula kay seasoned star Sheryl Cruz sa pinakabagong episode ng Wish Ko Lang.
Bibigyang buhay ni Sheryl ang kuwento ng inang si Tess na dalawang beses namatayan ng asawa sa episode na pinamagatang "A Mother's Love."
Pero sa kabila ng masasakit na nangyari sa kaniyang buhay pag-ibig, patuloy na nagsusumikap si Tess para mapagtapos ng pag-aaral ang dalawang anak.
Makakasama ni Sheryl sa episode na ito sina James Blanco, Boom Labrusca, Denise Barbacena, Gianna Llanes, Ella Cristofani, at Kim De Leon.
Huwag palampasin ang madamdaming mga tagpo ngayong Sabado sa "A Mother's Love" episode ng Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Sheryl Cruz sa gallery na ito: