GMA Logo Kim Domingo
Courtesy: kimdomingo_ (IG)
What's Hot

Kim Domingo names Kapuso actor she wants to work with

By EJ Chua
Published June 3, 2022 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Domingo


Isa sa lead stars ng 'Start-Up Ph,' noon pa raw gustong makatrabaho ni Kim Domingo. Sino kaya ito?

Matapos mag-pause ng ilang panahon sa kaniyang career bilang isang artista, masaya si Kim Domingo na muli na siyang nakabalik sa mundo ng showbiz.

Isa si Kim sa Kapuso stars na malapit nang mapanood sa upcoming GMA drama series na Start-Up Ph.

Sa isang interview, ibinahagi ng aktres ang kaniyang nararamdaman ngayong kabilang siya sa Philippine adaptation ng hit Netflix Korean series na Start-Up.

Kuwento ng comedienne-actress, “Nakakadalawang taping palang ako pero, sobrang happy ko na isa ako sa mga napili para sa cast ng Start-Up Ph.”

Kasunod nito, ibinunyag din ng Bubble Gang babe na isa pala sa lead stars ng pinakabagong programa ang noon pa raw niya gustong makatrabaho.

“Sa mga interviews ko before, sinasabi ko na isa si Alden [Richards] sa mga gusto ko talagang makatrabaho. So, ito na 'yun nangyari na siya. Plus, may bonus pa na nandiyan si Bea [Alonzo]. Very excited ako, at the same time nandoon talaga 'yung kaba ko lalo na noong first taping day ko," pagbabahagi ng aktres.

Mapapanood si Kim sa Start-Up Ph bilang si Stephanie, ang matalino at mayaman na lawyer at designer na makakatrabaho nina Dani (Bea Alonzo) at Dave (Jeric Gonzales).

Samantala, tingnan ang simple but sexy looks ni Kim Domingo sa gallery na ito.