GMA Logo Show Window The Queen s House
What's Hot

'Show Window: The Queen's House,' soon on GMA-7

Published June 7, 2022 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Show Window The Queen s House


Ang isa sa pinaka inaabangang South Korean drama series ay malapit nang mapanood sa Kapuso Network!

Isang panibagong South Korean drama series ang inihahandog ng GMA Heart of Asia. Ito ay ang Show Window: The Queen's House, ang seryeng inaabangan ng maraming Kapuso at Filipino viewers.

Iikot ang istorya nito sa buhay ng isang babae na si Sofia na tila nasa kaniya na ang lahat -- kabutihan ng puso, kagandahan, kayamanan, masaya at buong pamilya, at ilan pang mga bagay na hinahangad ng maraming kababaihan.

Itinuturing din siyang ideal married woman ng ilan kaya naman hindi na rin maiwasan na mayroong mga naiinggit sa estado ng kaniyang pamumuhay.

Ang karakter na ito ay gagampanan ng 48-year-old South Korean actress na si Song Yoon-ah.

Mapapanood sa seryeng ito kung paano magiging magulo at masalimuot ang buhay ni Sofia.

Bukod sa aktres, mapapanood din dito ang aktor na sina Lee Sung Jae na gaganap bilang si Marco, ang asawa ni Sofia.

Ang Korean actress naman si Jeon So-min ay bibida rin dito bilang si Mira, at si Hwang Chang-sun naman ay mapapanood sa programa bilang si Jason.

Ano kaya ang magiging role ni Mira sa buhay ni Sofia? At ano naman kaya ang magiging role ni Mira sa buhay nina Marco at Jason?

Sa nalalapit na pagpapalabas nito sa Philippine television, kaabang-abang ang mga eksenang tungkol sa pag-ibig, pamilya, at kapakanan ng sarili ng ilang indibidwal.

Huwag palampasin ang mga nakakagigil at matitinding tagpo sa Show Window: The Queen's House, malapit na sa GMA Telebabad!

Samantala, kilalanin ang star-studded cast ng upcoming television drama series na 'Start-Up Ph' na mapapanood din sa GMA Telebabad sa gallery na ito: