GMA Logo Can t Let Go
What's Hot

Upcoming family drama na 'Can't Let Go,' pupukaw sa isipan ng mga manonood

By Marah Ruiz
Published June 7, 2022 12:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babaeng sumakay ng kotse, napasigaw sa ni-reveal ng driver | GMA Integrated Newsfeed
Mariel Padilla makes a Noche Buena dinner with PhP 500
Boy, 14, shot dead in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Can t Let Go


Ano nga ba ang dapat abangan sa upcoming family drama na 'Can't Let Go?'

Isang de kalidad na family drama na naman ang ihahatid ng GMA Telebabad sa upcoming teleserye na Can't Let Go.

Kuwento ito ni Cristy, isang babae na magbabalik sa kanyang pamilya matapos akalain ng mga ito na matagal na siyang patay.

Sa kanyang pagbabalik, tila naka-move on na sa buhay ang kanyang asawang si Paolo at anak na si Tori.

Tila wala nang puwang sa buhay nila para kay Cristy dahil napunan na ito ni Shaira, ang bagong asawa ni Paolo na maasikaso at mapagmahal na mommy kay Tori.

Paano tatanggapin ni Cristy na may mahal nang iba ang kanyang mag-ama? Sino kina Cristy at Shaira ang papanigan ng batas? Sino rin ang magiging mas matimbang sa puso nina Paolo at Tori?

Bukod sa mga tanong na pupukaw sa isipan ng mga manonood, dapat ding abangan sa Can't Let Go ang mga eksenang magpapatulo ng mga luha at tender moments kung saan makaka-relate ang maraming pamilyang Pilipino.

Siyempre, hindi rin dapat palampasin ang talented at star-studded cast na magbibigay-buhay sa kuwentong ito.

Abangan ang family drama na Can't Let Go, soon on GMA Telebabad.