
Ilang larawan ngayon ng Kapuso comedian na si Buboy Villar ang pinagkaguluhan ng ilang netizens.
Kamakailan lang, ilang shirtless photos ang ibinahagi ni Buboy sa kaniyang Instagram account na umani ng mga komento hindi lang mula sa kaniyang followers kundi pati na rin sa ilang celebrities.
Makikita sa post ng aktor ang tatlong larawan kung saan fine-flex niya ang kaniyang six pack abs at fit na katawan.
Dahil sa kaniyang hot na hot aura sa kaniyang beach photos, hindi napigilan ng ilan na mag-comment sa post ng komedyante.
Ilan sa mga ito ay ang Apoy sa Langit star na si Mikee Quintos, Bianca Umali, Lolong star Ruru Madrid, Donita Nose, Rodjun Cruz, Faith Da Silva at Antonio Aquitania, at marami pang iba.
Samantala, isa si Buboy Villar sa pitong most talented artists at content creators na napiling makasama sa cast ng GMA's biggest reality game show ngayong 2022 na Running Man Philippines.
Kilalanin ang iba pang makakasama ni Buboy sa 'Running Man Philippines' sa gallery na ito: