
Sa isang pambihirang pagkakataon ay spotted na magkasama ang tinaguriang idol sa kusina na si Chef Boy Logro at ang social media star na si Ninong Ry o Ryan Morales Reyes sa tunay na buhay.
Sa Instagram, ibinahagi ni Chef Boy ang larawan nila ng sikat na food content creator na si Ninong Ry.
"Maraming salamat po anak @ninongry at sa buong team po napakasaya! Nag-enjoy talaga ako!! See you again soon," saad ng celebrity chef sa kanyang post.
Agad naman na sumagot sa post na ito ni Chef Boy si Ninong Ry.
"Maraming salamat po!!!!! see you again soon! sobrang saya today!," komento ng content creator.
Sa Facebook, isang video din ang in-upload ni Ninong Ry na tila naghahanda sila sa isang 'intense na lutuan.'
Kaya ang tanong ng netizens, collaboration nga ba ito ng dalawa para sa isang vlog o isang programa?
Matatandaan na mas nakilala si Chef Boy nang maging host ito ng cooking shows ng GMA na Kusina Master at Idol sa Kusina at variety talk show na Basta Every Day Happy. Sikat naman online si Ninong Ry dahil sa kanyang sari-saring food and adventure vlogs pero sa kabila ng pagpapatawa sa kanyang content, lingid sa kaalaman ng iba na culinary graduate ng De La Salle University-College of St. Benilde si Ninong Ry at naging head chef pa ito ng isang restaurant noon.
Samantala, mas kilalanin si Chef Boy Logro sa gallery na ito: