
Muling bumisita sa Pilipinas ang Korean heartthrob na si Kim Soo Hyun upang makasama ang Pinoy fans sa isang event ngayong linggo.
Agad na nag-trending sa social media ang mga larawan ni Soo Hyun sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport kahapon, Miyerkules (June 8).
KIM SOO HYUN IS HERE!
-- YouScoop (@YouScoop) June 9, 2022
Nakuhanan ng mga larawan ni YouScooper John Ray Laudato ang pagdating ni Kim Soo Hyun sa NAIA noong June 8, Miyerkoles. Kuwento niya, nag-abang siya sa NAIA kasama ang kaniyang mga ka-trabaho matapos ang working hours para masilayan ang aktor. pic.twitter.com/piF5QzkKj2
Mainit ang naging pagsalubong ng mga tagasuporta ni Soo Hyun na sinadya pang mag-abang sa NAIA upang masilayan ang Korean star.
welcome to ph kim soo hyun! pic.twitter.com/b8uFuW9JiK
-- S A (@Saaaaaadj) June 8, 2022
Matatandaan na bumida si Soo Hyun sa Korean series na My Love from the Star na ginawan ng Filipino adaptation ng GMA na pinagbidahan naman nina Gil Cuerva at Jennylyn Mercado.
Samantala, silipin naman ang ilang gym selfies ng ilang Korean actors sa gallery na ito: