
Naghahanda na sina Derrick Monasterio, Ken Chan, at Paul Salas para sa GMA Thanksgiving Gala na gaganapin sa July 30.
Isiningit ng tatlo ang fitting para sa kanilang susuotin sa Gala na may temang Old Hollywood.
Ang damit ni Derrick ay gagamitan ng telang velvet. Aniya, "They're leaning towards velvet, we're gonna play around that."
Masaya naman si Ken sa sketch ng kanyang magiging damit para sa GMA Thanksgiving Gala.
Aniya, "Sobrang happy 'yung puso ko kasi talagang doon sa sketch pa lang, nakita ko na 'yung pagka-1940s, 1950s, nakita ko kaagad 'yung Old Hollywood, 'yung elements ng Old Hollywood fashion."
Sa kauna-unahang pagkakataon, all-white ang isusuot ni Paul kaya naman excited na siya rito.
"Hindi pa ako actually nakapag-all-white, so looking forward ako ngayon to look fresh, and young, ganon."
Ayon sa fashion designer na si Ryan Chris, na siyang gagawa ng susuotin ng tatlo, classic at elegant pero may modern twist ang kanyang gagawin.
"Classic, elegant pero modern 'yung cut. We focus on the good cut, at saka doon sa look. And total image talaga 'yung tinitingnan natin dito, we are going to use good fabrics para lalong ma-emphasize 'yung magandang shape ng body.
"Manly 'yung pinaka-design natin."
Bukod sa paghahanda para sa GMA Thanksgiving Gala, abala rin sina Derrick, Ken at Paul sa kani-kanilang mga proyekto.
Sasabak na si Derrick sa taping ng pinagbibidahang niyang GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise kung saan makakapareha niya si Elle Villanueva.
"Masayang-masaya ako na si Elle 'yung ka-partner ko dito kasi sa workshop pa lang, click na kami agad, e. Tapos madali siyang pakisama, and ang ganda, ganda lang ng banter namin.
"So feeling ko, magkakasundo talaga kami sa island."
Si Paul naman ay malapit nang mapanood sa Lolong na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
"Finally kasi alam ko 'yung pinagdaanang hirap kaya nga sabi ko, sobrang proud ako for Ruru kasi nakita ko 'yung hardwork niya at lahat naman ng cast at ng staff."
Samantalang si Ken, inaayos ang magiging negosyo nila ng kapareha niya sa Mano Po Legacy: Her Big Boss na si Bianca Umali.
"Nag-friendly date kami ni Bianca sa isang samgyup. Mahilig siya sa samgyup, ako rin mahilig din ako sa samgyup so sabi namin, 'Bakit kaya hindi tayo magkaroon ng business?'"