GMA Logo Aiai Delas Alas
Source: msaiaidelasalas (IG)
What's Hot

Aiai Delas Alas, nakabalik na sa Pilipinas, residente pa rin ng Quezon City

Published June 17, 2022 1:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Ayon sa panayam ng Pep.ph kay Aiai Delas Alas, hindi niya naramdaman na hindi siya welcome sa Quezon City nang bumalik siya rito noong Miyerkules, June 15, mula Amerika.

Bumalik ng Pilipinas si Aiai Delas Alas isang linggo matapos ideklarang persona non grata sa Quezon City dahil umano sa pambabastos niya at ng direktor na si Darryl Yap sa official triangular seal ng lungsod sa isang viral campaign video.

Ayon sa eksklusibong panayam ni Jojo Gabinete para sa Pep.ph noong Huwebes, June 16, nakauwi pa rin ang Comedy Queen sa bahay niya sa Quezon City sa kabila ng status na ipinataw sa kanya ng Quezon City Council.

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Bumalik si Aiai ng bansa mula Amerika noong Miyerkules, June 15, dahil mula Pilipinas, kailangan niyang lumipad sa Japan para sa post-Philippine Independence Day celebration na magaganap sa darating na Linggo, June 19, sa Tiara Koto Hall sa Tokyo.

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Sa report ng Pep.ph, hiningan si Aiai ng pahayag tungkol sa pagdedeklara sa kanya bilang persona non grata sa Quezon City batay sa resolusyong inihain ni District IV Councilor Ivy Lagman na inaprubahan ng Quezon City Council.

Saad ni Aiai, “Salamat sa Diyos, kumakapit pa rin ako sa Kanya. Siya na ang bahala.

"Sila na mismo ang nagsabi na pang-foreigner lamang ang persona non grata, hindi pang-Pilipino."

Depensa pa ni Aiai, “Hindi ako ang gumawa ng triangle seal na ginamit sa video, kahit magkakorte kami.”

Residente na si Aiai ng Quezon City mula 10 years old pa lamang siya, base sa report.

Sabi pa rito, hindi naisip ng aktres na manirahan sa ibang siyudad sa Metro Manila na isang ebidensya ng pagmamahal niya sa naturang lungsod.

Bagamat idineklarang isang unwelcome person sa Quezon City, hindi naman daw ito naramdaman ni Aiai nang bumalik siya rito mula Amerika noong Miyerkules.

Kaugnay nito, grateful din si Aiai sa pamamayagpag ng ratings ng current show niyang Raising Mamay na ipinapalabas sa GMA Afternoon Prime kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa loyal viewers nito.

“Maraming salamat sa mga Kapuso na patuloy na nanonood ng Raising Mamay, sa mga kapwa ko Pilipino at fans na sumusuporta sa akin.

“Salamat din sa magagaling na cast ng Raising Mamay, direktor, at writers kaya maganda ang aming palabas. It's a group effort,” ani Aiai.

Proud si Aiai sa magandang istorya ng Raising Mamay kaya naman panay ang kanyang pagpo-promote ng kanyang proyekto sa social media.

Sa katunayan, patuloy ang pag-ani nito ng magagandang feedback mula sa mga manonood nito.

Mapapanood ang Raising Mamay mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.

Maaari ring i-stream ang full episode ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Pinapaiyak man ng bidang si Aiai Delas Alas ang mga manonood, kabaliktaran naman ito ng mga mangyayari sa likod ng camera.

Tingnan ang masayang set ng Raising Mamay dito: