GMA Logo Kyline Alcantara
Photo by: itskylinealcantara (IG)
What's Hot

Kyline Alcantara, pinusuan ng netizens bilang guest anchor ng 'Chika Minute'

By Aimee Anoc
Published June 17, 2022 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kilusang Bayan Kontra Kurakot press conference (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara


Napanood noong Huwebes ng gabi si Kyline Alcantara bilang guest anchor ng 'Chika Minute.'

Napuno ng magagandang komento ang post ni Kyline Alcantara tungkol sa pagbabalik niya sa 24 Oras bilang guest anchor ng showbiz segment nitong "Chika Minute."

Si Kyline ang naghatid ng mga bagong chika noong Huwebes ng gabi, June 16, kung saan makikita siyang nakasuot ng blazer at skirt.

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)

"Bukas ng gabi ulit, mga Kapuso?" sulat ni Kyline. Mapapanood kaya siyang muli bilang guest anchor ng "Chika Minute" ngayong Biyernes?

Isa sa mga pagbating natanggap ni Kyline ay mula sa isang netizen, "Nanood ako ang galing galing mo keep it up Kai Kai" saad ni @mommy.zen.

"Lalong nakakagana manood ng 'Chika Minute,'" sulat ni @_maryrosedelacruz.

"Stunning as always," sabi naman ni @cuevas.kevin.

"Manonood na ako lagi ng balita kung ikaw lagi 'yung anchor," komento ni @itsprincess_tayson.

"Nice, bagay sa 'yo Ate Kyune," dagdag ni @itsjing_alcantara.

Noong Pebrero, napanood si Kyline sa GMA series na I Left My Heart in Sorsogon kasama ang on-screen partner na si Mavy Legaspi.

Samantala, tingnan ang stylish looks ni Kyline Alcantara sa gallery na ito: