GMA Logo Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Source: matteog (IG)
What's Hot

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, magbubukas ng sarili nilang studio

By Marah Ruiz
Published June 17, 2022 7:49 PM PHT
Updated June 20, 2022 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Multiple injuries at Sydney’s Bondi Beach after shooting, 2 in custody
Nadine Samonte undergoes geneplant cancer screen test
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo


Magbubukas sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng isang studio bilang bagong negosyo nila.

May bagong negosyo ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Source: matteog (IG)

Nakatakdang magbukas ng isang studio ang celebrity couple.

Tatawagin nila itong G Studios at bukas ito para content creators, advertisers, celebrities, at sinumang may kailangan ng space para sa kanilang mga proyekto.

Kasama ang pamilya ni Matteo at maging ang mga alaga nilang aso, nagsagawa sila ng groundbreaking noong June 15, 2022.

Espesyal din ang araw na ito dahil mismong birthday ito ng nanay ni Matteo na si Glenna.

Itatayo ang G Studios sa isang membership superstore sa Alabang.

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Kamakailang lang, natapos ni Sarah ang isang baking course--bagay na proud na ibinahagi ng kanyang mister na si Matteo.

Nakatakda namang mapanood sa GMA ang ilang Star Cinema movies ni Sarah gaya ng It Takes a Man and a Woman kasama si John Lloyd Cruz at Won't Last a Day Without You kasama naman si Gerald Anderson.

Samantala, naman ang ilang sweet photos nina Sarah at Matteo sa gallery na ito: