GMA Logo Tom Rodriguez
What's Hot

Tom Rodriguez, umaming naubos ang lahat ng pera matapos maloko

By Jashley Ann Cruz
Published June 18, 2022 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tom Rodriguez


Kabilang ang pagkaubos ng kanyang pera dahil sa diumano'y panloloko sa statement ni Tom Rodriguez tungkol hiwalayan nila ni Carla Abellana.

Inamin ng Kapuso aktor na si Tom Rodriguez na nagkaroon sya ng problema sa pera kung kaya't napalayo ang loob nya sa kanyang ex-wife na si Carla Abellana.

Ayon sa pahayag ni Tom na ipinadala nya sa kanyang manager na si Popoy Caritativo sa 24 Oras, sinabi ng aktor na naubos ang lahat ng kanyang pera matapos siyang ma-scam.


“I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly fair. I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility,” sabi ng aktor.


Hindi pinangalanan ni Tom kung sino ang nanloko sa kanya at sa kung paanong paraan siya niloko nito ngunit inamin ng aktor na dahil sa problemang ito, nagkaroon siya ng pagkukulang sa kanyang ex-wife na si Carla Abellana.

Gayunpaman, kahit na namroblema si Tom sa pera, iginiit niya na hindi totoo ang mga haka-haka ng iba na pinagbuhatan daw niya ng kamay si Carla.

“But it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla,” pahayag ni Tom.

Basahin ang buong pahayag ni Tom ukol sa kanilang hiwalayan ni Carla:

Isang post na ibinahagi ni Popoy S. Caritativo (@popoycaritativo)

Silipin ang relationship timeline nina Tom at Carla rito: