GMA Logo Jamie, Xyrus, and Calyx Gonzaga
PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo! (show page)
What's on TV

Dapat Alam Mo!: Creative monthly photoshoot ng magulang para sa kanilang anak, silipin!

By Dianne Mariano
Published June 22, 2022 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu welcomes Christmas Day peacefully
Britain’s King Charles lauds unity in diversity in his Christmas message
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jamie, Xyrus, and Calyx Gonzaga


Silipin ang fun at creative monthly photoshoot concepts ni Baby Calyx Gonzaga rito.

Ang pagkakaroon ng baby ay isang malaking biyaya para sa mga magulang.

Tampok sa episode ng Dapat Alam Mo! sina Jamie at Xyrus Gonzaga dahil sa kanilang monthly photoshoot na paandar para sa unico hijo na si Calyx.

“'Yung concept ng monthly milestone, para makita mo 'yung changes at tsaka developments do'n sa bata,” pagbabahagi ni Jamie.

JAMIE GONZAGA

PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo! (show page)

Para sa first month ni Baby Calyx, nagkaroon siya ng BTS-themed photoshoot dahil certified “army,” ang tawag sa fans ng BTS, ang kanyang mommy Jamie.

Nasundan pa ito ng iba pang nakatutuwang mga tema gaya ng jeepney driver, kandidato, pangulo ng Pilipinas, mangingisda, reporter, street sweeper, at magtataho.

PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo! (show page)

Kuwento pa ni Jamie, “Kung saan kami mas makakatipid. Kung saan 'yung mas madadalian kami na isu-shoot siya, 'yung hindi na ako mahihirapan mag-isip ng props o ng mga gamit.”

Marami naman ang naaaliw sa kakaibang concepts ng pictorial ni Baby Calyx. Paraan din daw ito nina Jamie at Xyrus upang saluduhan ang mga manggagawang Pinoy.

“Natutuwa kami na may ibang nakaka-appreciate rito o natutuwa do'n sa ginagawa ni Jamie kay Calyx sa pagbihis niya,” ani Xyrus.

Silipin ang iba pang paandar ng mga magulang sa kanilang anak sa Dapat Alam Mo! video sa ibaba.

Panoorin ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

Samantala, silipin ang creative photoshoots ng ilang celebrity babies sa gallery na ito.