
Tampok ngayong Sabado sa "Tita" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng pamilya ni Tessie (Glenda Garcia) na unti-unting nasira simula nang dumating ang pinsang si Matet (Geneva Cruz).
Dahil hirap sa buhay ang pinsang si Matet, napagdesisyunan ni Tessie na patuluyin muna ito sa kanilang tahanan. Pero walang kamalay-malay si Tessie na ang kanyang pinsan ang magiging simula ng kaguluhan sa kanilang pamilya dahil ang mga anak niyang sina Borgy (Kimson Tan) at Kiko (Jeremy Sabido) ay parehong mahuhumaling dito.
Maaayos pa kaya ang pamilya ni Tessie? Huwag palampasin ang maiinit na tagpo ngayong Sabado, June 25, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, tingnan ang magagandang larawan ni Geneva Cruz sa gallery na ito: