
Anim na taon na mula nang unang mapanood ang requel ng telefansyang Encantadia ngunit buhay na buhay pa rin ang mga tumatak na eksena nito sa TikTok.
Taong 2016 nang gampanan nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez ang apat na Sang'gre na sina Pirena, Amihan, Alena, at Danaya.
Naunang ginampanan nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, at Diana Zubiri ang mga Sang'gre sa orihinal na kuwento ng Encantadia noong 2005.
Matapos ang mahigit kalahating dekada, marami pa rin ang namamangha sa istorya ng Encantadia sa video-sharing app na TikTok kung saan may mahigit 2 billion combined views ang #Encantadia.
Isa sa may pinakamaraming views ay ang eksena kung saan nakagawa ng paraan si Lira (Mikee Quintos) na paghalikin sina Sang'gre Alena (Gabbi Garcia) at Ybrahim (Ruru Madrid).
@its_encantadia Idol na kita lira HAHAHA#fypシ #encantadia #amihan #ybramihan #ybrahim #lira ♬ original sound - E - ʙᴜʜᴀʏɪɴ sɪ ᴀᴍɪʜᴀɴ sᴀ s𝟸
Mayroon na ring official at verified TikTok account ang Encantadia na puwedeng tambayan ng certified Encantadiks habang inaantay ang pagpapatuloy ng saga ng Encantadia sa Sang'gre.
@encantadia May bagong Sang'gre na papalit kay Hara Amihan? Sino kaya s'ya? #encantadia #encantadia2016 #encantadiatiktok #gabbigarcia #glaizadecastro #sanyalopez #kyliepadilla #sanggre #watchtogether #entertainment #comedy ♬ original sound - Encantadia
Sino kaya ang bibida sa Sang'gre? Mapapanood kaya sina Glaiza, Kylie, Gabbi, at Sanya dito? Ano kaya ang magiging istroya nito?
Ugaliing bumisita sa GMANetwork.com upang malaman ang mga kasagutan.