
Handang-handa na si Asia's Multimedia Star Alden Richards na dalhin ang kanyang documentary concert na 'ForwARd: Meet Richard Faulkerson, Jr.' sa United States.
Naging matagumpay ang digital release ng 'ForwARd' sa Pilipinas noong January kung saan ipinakilala ni Alden si Richard Faulkerson, o ang kanyang totoong sarili sa mga tao.
"Tuloy na tuloy na po siya. We're going to five cities in August to September," masayang balita ni Alden sa GMANetwork.com.
"I'm very excited kasi ito 'yung pinakauna kong live audience na show, and very proud and happy rin ako kasi it's my first-ever self-produced concert and 'yun 'yung madadala natin sa abroad para ma-experience din ng mga kababayan natin doon live."
Ang kikitain ng Forward: Meet Richard Faulkerson, Jr. ay mapupunta sa AR Foundation kung saan tinutulungan ni Alden na pag-aralin ang ilang kabataan.
Bago ang ForwARd: Meet Richard Faulkerson, Jr. sa US, panoorin muna si Alden sa The World Between Us sa Amazon Freevee at abangan siya sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up sa GMA Telebabad.