GMA Logo Psalms David and Jeniffer Maravilla
Photo by: impsalmsdavid (IG); jeniffermaravilla (IG)
What's Hot

Psalms David, bakit itinuturing na pinakamalapit na kaibigan sa showbiz si Jeniffer Maravilla?

By Aimee Anoc
Published June 29, 2022 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Psalms David and Jeniffer Maravilla


Bakit nga ba si Jeniffer Maravilla ang itinuturing ni Psalms David na pinakamalapit na kaibigan sa showbiz?

Itinuturing ni Psalms David na isa sa pinakamalapit na kaibigan sa showbiz ang Kapuso diva at dating The Clash finalist na si Jeniffer Maravilla.

Sa interview sa GMANetwork.com, ibinahagi ni Psalms na "sobrang malapit" sila ni Jeniffer sa isa't isa.

"Itinuturing kong pinakamalapit na kaibigan sa showbiz si Ate Jeniffer Maravilla dahil super close na kami, sobrang genuine niya sa akin, at ang dami kong natututunan sa kanya," sabi ni Psalms.

Samantala, naghahanda ngayon si Psalms para sa bago niyang single sa GMA Music, ang "Kaulayaw" na ilalabas sa June 30.

Isang post na ibinahagi ni GMA Music (@gmamusic)

Espesyal ang "Kaulayaw" para kay Psalms dahil ito ang unang kantang isinulat niya na ang ibig sabihin ay "constant" at "intimate companion."

Ani Psalms sa bagong kanta, "Yung time na isinulat ko 'yung kanta, iyon din 'yung naging companion ko. Ang sana maging 'Kaulayaw' rin siya ng mga Kapuso natin, ng listeners natin kapag pinakinggan nila ang kantang ito."

Mas kilalanin si Kapuso diva Jeniffer Maravilla sa gallery na ito: