
Isang panibagong television drama series ang magbibigay inspirasyon sa Filipino viewers at magtuturo ng tunay na kahulugan ng pagmamahal. Ilalahad sa series na ito ang kuwento ng isang mag-ina na tutulungan ang isa't isa upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Pinamagatang Abot Kamay Na Pangarap, iikot ang istorya ng serye sa mag-inang sina Lyneth at Analyn.
Si Lyneth ay isang ina na hindi nakapag-aral ngunit nagsisikap upang matupad ang pangarap ng kaniyang anak na maging isang doktor.
Kaabang-abang dito kung paano nila susuportahan, dadamayan, at palalakasin ang loob ng isa't isa sa bawat hamon na kanilang haharapin sa landas na sabay nilang tatahakin.
Kalaunan, nang magtagumpay na ang kaniyang anak na si Analyn, siya naman ang tutulong sa kaniyang nanay upang matupad ang pangarap nito na makapag-aral.
Ituturo rin sa atin ng seryeng ito kung gaano kahalaga ang mga katagang, "Karamay sa hirap. Kasama sa pag-abot ng pangarap.”
Huwag palampasin ang napakagandang kuwentong ito na siguradong marami ang makaka-relate!
Ang bagong drama series na ito ay pagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Gagampanan ni Carmina ang karakter ni Lyneth, samantalang ang karakter naman ni Analyn ay bibigyang buhay ng young actress na si Jillian.
Sabay-sabay nating abangan ang nakakaantig na kuwento ng Abot-Kamay Na Pangarap, malapit nang mapanood sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, kilalanin pa si Carmina Villaroel bilang isang ina sa totoong buhay sa kaniyang kambal na anak na sina Cassy at Mavy sa gallery na ito: