GMA Logo My Forever Sunshine
What's Hot

Lakorn series na 'My Forever Sunshine,' mapapanood sa GMA simula Hulyo

By Jansen Ramos
Published July 1, 2022 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'One Battle After Another' leads Hollywood's Golden Globe nominations
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

My Forever Sunshine


Abangan sina Mark Prin Suparat at Kao Supassara Thanachart sa 2020 Thai drama series na 'My Forever Sunshine' na ipapalabas sa GMA ngayong Hulyo.

Simula Hulyo, mapapanood sa Philippine TV ang kakaibang lakorn series na My Forever Sunshine na isa mga pinag-usapang drama sa Thailand noong 2020.

Pinagbidahan ito nina Mark Prin Suparat at Kao Supassara Thanachart na gumanap sa mga karakter nina Artit at Paeng. Sa Filipino-dubbed version ng serye, makikilala sina Artit at Paeng bilang Keith at Penny.

Ang kuwento ng My Forever Sunshine ay iikot sa love-hate relationship ng childhood friends na sina Keith at Penny.

Sa Lakorn series, mapapanood na hindi sa lahat ng pagkakataon ay posibleng maasam ang healing at happy ending.

Ito ay matapos mauwi ang magandang pagkakaibigan nina Keith at Penny sa isang magulong pagsasama.

Matapos mamatay ang ama, kailangang mamuhay ni Penny kasama si Keith sa iisang bahay na magdudulot ng kamalasan kay Keith.

Magiging obsessed si Penny kay Keith na maglalagay rito sa panganib na labis na ikagagalit ng huli.

Maayos pa kaya ni Penny ang pariwarang buhay? At magkaroon pa kaya sila ng happily ever after? O lalo pang tumindi ang galit ni Keith sa dating kaibigan?

'Yan ang dapat abangan sa My Forever Sunshine na mapapanood sa GMA ngayong Hulyo.