
Tuloy-tuloy ang showbiz career ng breakthrough actor na si Kelvin Miranda.
Matapos ang mga hit TV series niyang The Lost Recipe, Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, at Mano Po Legacy: Her Big Boss, muling mapapanood sa teleserye si Kelvin at may bago pang leading lady.
Si Kate Valdez ang bago niyang kapareha sa upcoming GMA afternoon drama na Unica Hija kung saan siya bibida.
Iba-iba ang mga nagiging katambal ni Kelvin onscreen kaya naman excited siya sa bago niyang matutunan sa bago niyang proyekto.
"Looking forward po ako na mas marami akong matutunan sa bawat isa po sa kanila," ani Kelvin sa panayam ni Lhar Santiago sa 'Chika Minute' segment ng 24 Oras noong Lunes, July 4.
Ganito rin ang pahayag ni Kate na itinuturing na big break ang pagpili sa kanya ng Kapuso Network para gumanap sa title role sa afternoon series.
"I'm very excited to work sa mga makakasama ko po dito sa series na 'to," sabi ni Kate.
Sa Unica Hija, magiging kontrabida ng aktres si Faith Da Silva.
Isa rin sa mga dapat abangan sa serye ang reunion ng StarStruck batch one alumni na sina Katrina Halili at Mark Herras.
Maraming isasakripisyo si Katrina para sa Unica Hija dahil iiwan muna niya ang El Nido, Palawan kung saan siya nakatira at nagtatayo ng business. Mawawalay din siya sa anak niyang si Katie para sa lock-in taping ng Unica Hija na magsisimula na ngayong buwan.
Si Mark naman, abala sa pinapagawa nilang bahay ng asawa niyang si Nicole Donesa.
Gayunpaman, thankful sina Katrina at Mark na biniyayaan agad sila ng bagong proyekto ng GMA kahit katatapos lang ng kanilang mga programa na Prima Donnas Season 2 at Artikulo 247.
Panoorin ang buong report dito:
Samantala, kilalanin pa ang rising at award-winning Kapuso star na si Kelvin Miranda dito: