
Ang dating tricycle driver na si Jimmy, ngayon ay nakapagpundar na ng sariling bahay at lupa, may-ari na ng tatlong gasolinahan, 12 na sasakyan, at rice mill. Pero paano nga ba humarurot sa pag-asenso ang kanyang buhay?
Mula sa mahirap na pamilya si Jimmy. Sa murang edad, naranasan nitong magtinda ng iba't ibang pagkain para lamang makatulong sa pamilya.
"Nakatira lang kami noon sa squatter. 'Yung tatay ko nagda-drive lang siya ng tricycle at ang mama ko may tindahan naman na sari-sari. Ang iniisip ko talaga, paano ba makaahon sa hirap," kuwento ni Jimmy.
Dagdag niya, "Mula nang bata pa ako, nagtitinda ako ng turon, ice candy, at saka pandesal. Noong nag-school na ako nagtatrabaho naman ako ng construction."
Maaga mang nagkapamilya, hindi ito naging hadlang kay Jimmy para makapagtapos ng pag-aaral. Namasada siya ng tricycle para matustusan ang mga pangangailangan.
"Nag-aaral ako ng gabi, tuwing umaga nagda-drive. Kumikita kami rati ng P200.00, nakakapagod talaga. Pero tiniis ko iyon kasi mayroon kaming pangarap dalawa na makatapos talaga," sabi niya.
Makalipas ang limang taon, nakapagtapos si Jimmy ng kursong BS Marine Transportation hanggang sa naging seaman.
Panoorin ang buong kuwento ni Jimmy sa Kapuso Mo, Jessica Soho:
Samantala, balikan ang mga nag-viral na KMJS stories noong 2021 sa gallery na ito: