
Isa si Larkin Castor sa 17 young and fresh faces ng Sparkada, ang pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network.
Sa ginanap na online mediacon ng Sparkada kamakailan, pinangalanan ng Sparkle actor kung sino ang kanyang iniidolo sa industriya ng showbiz. Ayon sa kanya, ito ay si Asia's Multimedia Star at Start Up Ph lead actor Alden Richards.
PHOTO COURTESY: aldenrichards02 (IG)
Ipinaliwanag naman ni Larkin kung bakit niya hinahangaan ang Kapuso actor.
Aniya, “'Yung dating po niya parang kaya niya pong dalhin 'yung sarili niya. Kapag tuwing meron siyang trabaho, binibigay niya lang, parang natural lang sa kanya 'yung ginagawa niya, parang gustong gusto niya.
“Gusto ko rin po ma-reach 'yung gano'ng point sa career ko na nandoon na ako, ginagawa ko lang kung saan ako masaya.”
Bukod kay Alden, iniidolo naman ni Larkin sa pagkanta sina Adie at “Pagsamo” singer Arthur Nery.
“Actually, mahilig po talaga ako sa mga old musicians parang sina B.B. King, 'yung mga blues po kasi mahilig po talaga ako do'n. Tapos sa ngayon, sina Arthur Nery, Adie since nagagalingan din po ako sa mga boses nila,” sagot ng young actor.
Samantala, kilalanin ang 17 members ng Sparkada sa gallery na ito: