
Isang bagong milestone ang ipinagdiriwang ngayon ni SB19 member Ken sa kanyang music career nang maitampok sa Global Spin ang pinakabago niyang single na "Bulan."
Hindi 'to ambon, kundi buhos ng ulan! 🌙
-- FELIP (@felipsuperior) July 5, 2022
My special performance of BULAN for the @RecordingAcad's #GlobalSpin series is out! Follow the link below to watch the video.
Special thanks to the @Intramuros Administration for their support.#FELIPonGlobalSpinhttps://t.co/5oXwAZhKNy
Ang Global Spin ay isang digital performance series na ni-launch para ipagdiwang ang global music. Itinatampok dito ang iba't ibang artists sa mundo.
Inilabas ni Ken ang "Bulan" gamit ang pangalang Felip noong May 28, 2022, na ngayon ay mayroon nang 1.5 million views sa YouTube.
Ayon kay Ken, ang kantang "Bulan" o buwan ay hango sa Filipino myth at ginamit niya ito para iparating ang mga natutunan sa buhay.
Äng "Bulan" ang comeback single ni Ken bilang solo artist mula nang mailabas ang debut single niyang "Palayo" noong September 2021.
Panoorin ang buong report tungkol kay SB19 Ken sa Unang Hirit:
Samantala, mas kilalanin pa ang P-pop boy group SB19 sa gallery na ito: