GMA Logo Maria Clara at Ibarra lead stars
Image Source: myjaps (IG) / dennistrillo (IG) / barbaraforteza (IG)
What's on TV

'Maria Clara at Ibarra,' historical portal fantasy na may Gen Z take sa mga nobela ni Jose Rizal

By Marah Ruiz
Published July 8, 2022 11:37 AM PHT
Updated September 16, 2022 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Maria Clara at Ibarra lead stars


Magbibigay ng bagong perspective sa mga nobela ni Jose Rizal ang upcoming historical portal fantasy na 'Maria Clara at Ibarra.'

Paano kung ang isang Gen Z ay mapunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal?

'Yan ang dapat abangan sa upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Kuwento ito ng nursing student na si Klay na atat na atat nang makaalis ng bansa para magtrabaho.

Magigising na lang siya isang araw at matatagpuan ang sarili sa mundo ng Noli Me Tangere ni Rizal!

Makikilala niya rito sina Maria Clara, Ibarra at iba pang karakter sa mga nobela na magtuturo sa kanya ng kahalagahan ng kasaysayan, pag-unawa sa kapwa, pagmamahal sa bayan at higit sa lahat, ang kapangyarihan ng pag-ibig.

Mula sa mga bumuo ng Encantadia, My Husband's Lover, Sahaya at Legal Wives, ito ang next big cultural offering, na may halo pang romance at adventure, mula sa GMA.

Image Source: myjaps (IG) / Dennis Trillo (Facebook) / barbaraforteza (IG)


Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose, at 2016 Fantasporto International Best Actress Barbie Forteza.