
Sa pinakalatest episode ng "Updated with Nelson Canlas," ibinahagi ni Bea Alonzo ang ilang kuwento tungkol sa kaniyang buhay bilang isang aktres.
Sa pamamagitan ng isa sa mga tanong ng host na si Nelson Canlas, inamin ni Bea na hindi lang basta trabaho ang turing niya sa kaniyang acting career.
Isang bagay ang inamin ng Start-Up Ph actress, “Somehow ba outlet ng personal life mo 'yung mga project mo?”
Ayon sa tinaguriang "This Generation's Movie Queen," itinuturing niyang therapy ang pag-arte upang mas gumaan ang kaniyang nararamdaman tuwing mayroon siyang mga pinagdadaanan.
Pagbabahagi ni Bea, “Sa totoo free therapy siya sa akin, it's very therapeutic most of the time like, I would go through a very hard time in my life and nagiging escape ko 'yong mga eksena, nagiging escape ko."
Saad pa niya, "My friends know this, my family knows this, I don't necessarily share my… pains with them. Only after na lang, doon ko lang nasasabi hindi na ako umiiyak, ganiyan. Medyo secretive ako, mas makimkim ako, more than masabi.”
“So kasi parang feeling ko I don't want to trouble them or bother them with my pains, so ang nangyayari nagiging outlet ko 'yong mga eksena lalo na 'pag may emotional scenes gano'n doon ko nailalabas. So nagiging therapy siya sa akin in a way,” dagdag pa ng Kapuso actress.
Sa kaniya namang latest vlog, hindi ikinaila ng aktres na isa siyang workaholic.
Abangan ang outstanding acting skills ni Bea Alonzo sa GMA upcoming drama series na Start-Up Ph.
Samantala, silipin ang sexiest looks ni Bea Alonzo sa gallery na ito.