GMA Logo Divine Aucina
Courtesy: divs (IG)
What's Hot

Divine Aucina fulfills dream role in the film 'Bakit 'Di Mo Sabihin?'

By EJ Chua
Published July 9, 2022 12:00 PM PHT
Updated July 9, 2022 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Divine Aucina


Ano nga ba ang dream role ng Kapuso actress na si Divine Aucina? Alamin DITO:

Si Divine Aucina ay isa sa mga itinuturing na versatile actresses sa Kapuso Network.

Unang nakilala si Divine sa show business nang maging bahagi siya ng GMA comedy anthology na Dear Uge noong 2016.

Mula noon, nagsunud-sunod na ang kaniyang mga proyekto bilang aktres hindi lang sa telebisyon kundi pati na rin sa big screen.

Nito lamang July 6, sa naganap na mediacon ng Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise sa Cultural Center of the Philippines, present ang Kapuso actress dahil parte siya ng cast ng pinakabagong pelikula na Bakit 'Di Mo Sabihin? na pinagbibidahan ng mga aktor na sina JC de Vera at Janine Gutierrez.

Proud at masayang masaya si Divine na naging bahagi siya ng cast ng naturang pelikula.

Inilahad din ng aktres na isa sa kaniyang dream roles ay maging isang deaf.

Kuwento ng comedienne-actress, “Speaking ang role ko dito sa 'Bakit 'Di Mo Sabihin?' pero at least I get to communicate in the film using Filipino Sign Language (FSL) kaya closer to the dream na rin!”

“I am so proud na naging bahagi ako ng isang kuwento na naglalahad ng ups and downs ng isang marriage. Pero bukod diyan, ang maging cheerleader para sa deaf community na sobrang excited ako for this. Napaka-unique ng film na ito kaya talagang excited kami! May mga deaf actors din kami rito kaya excited na kaming mapanood ito ng lahat,” dagdag pa niya.

Ang mga nasa likod ng pelikulang ito ay ang dating director sa GMA na si Real S. Florido, writer na si Flo Reyes, at creative producer na si Jon Verzosa. Kaya naman tila naging reunion at collaboration ito ng ilang Kapuso creatives.

Isa sa latest projects ni Divine ay ang kaniyang role sa katatapos lang na hit GMA drama romance comedy series na First Lady, kung saan nag-viral ang kaniyang karakter na si Bella.

“Super happy talaga ako sa First Lady. Bukod sa maraming nairita sa karakter kong si Bella, hahaha, ang saya talaga ng set! Mami-miss ko ang mga lock-ins namin!”

Samantala, silipin ang ilan sa mga impressive photos ni Divine sa gallery na ito: