
Sa murang edad na 17, marami nang naipundar ang young Kapuso actress na si Jillian Ward.
Dahil sa sipag niya sa pag-aartista simula sa kanyang pagkabata, nakapagpatayo na siya ng bahay para sa kanyang pamilya, nakapag-invest sa mga restaurant at milk tea shops, at nakabili na rin ng kanyang dream car.
Source: jillian (IG)
Matapos nito, may bagong bagay daw na pinag-iipunan si Jillian.
"Gusto ko po talaga 'yung pagta-travel kasi iba po talaga 'yung memories na magagawa po sa pagta-travel. Kumbaga, nasa amin na rin po 'yung mga needs po namin so ngayon po ang pinakaimportante po sa akin 'yung quaility time po kasama 'yung family ko," bahagi ng aktres.
Kaya naman pagkatapos ng book two ng top-rating GMA Afternoon Prime show na Prima Donnas, ready na si Jillian na sumabak sa isang bagong proyekto.
Nakatakda siyang bumida sa Abot Kamay na Pangarap kung saan gaganap siya bilang isang young surgeon. Makakasama niya sa serye ang mga beteranong aktor na sina Carmina Villarroel, Pinky Amador, Richard Yap at Dominic Ochoa.
"Kahit dramang-drama po 'yan, hinahaluan niya pa rin po ng pagka-light-hearted po 'yung mga shows na ginagawa niya. May konting comedy, kumbaga, very natural po talaga 'yung show na 'to. Makakapag-connect po talaga 'yung mga families or 'yung mga mother-and-daughter tandem," paliwanag ni Jillian tungkol sa kanyang upcoming na serye.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Samantala, silipin ang mga jaw-dropping photos ni Jillian sa gallery na ito: