
It's official!
Ipinakilala na bilang host ng Drag Race Philippines ang Eat Bulaga host at multi-talented artist na si Paolo Ballesteros.
Ngayong Martes, July 12, sa pamamagitan ng teaser na inilabas sa social media, ini-announce na ang participation ni Paolo sa Drag Race Ph bilang host.
Makikita sa teaser photos na nakasuot si Paolo ng isang long and fitted mermaid gown kung saan highlight sa print nito ang Luneta Park at Manila City Hall na kilalang historical landmarks sa Pilipinas.
It's time for the big reveal 🥰🇵🇭@dragraceph host @pochoy_29 kicks off the race to crown the Philippines' First Drag Race Superstar on August 17th! 👑
-- Drag Race Philippines (@dragraceph) July 12, 2022
Watch #DragRacePH on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada (Canada) 💓 https://t.co/dLfUqwxluJ pic.twitter.com/vdEepuxzo4
Kilala si Paolo sa kanyang impressive at fabulous makeup transformations na swak sa bigating reality TV show para sa mga drag queens.
Abangan si Paolo sa Drag Race Philippines simula August 17.
Samantala, matatandaan na umani rin ng papuri kamakailan si Paolo dahil sa kanyang malikhaing disenyo ng 'tikbalang'-inspired national costume para sa Binibining Pilipinas candidate na si Graciella Lehmann.
Balikan ang ilan sa mga iconic transformation at fashion evolution ni Paolo sa gallery na ito: