
Umabot na sa mahigit 7.2 million views ang TikTok dance video ni Sparkle actress-comedienne Kiray Celis kasama ang kanyang Return To Paradise co-stars na sina Derrick Monasterio, Elle Villanueva, at Liezel Lopez.
Ibinahagi ng aktres sa Facebook ang naturang video kung saan isa-isa silang sumayaw nina Elle at Liezel sa harap ng Kapuso hunk. Makikita rin na hinawakan ni Kiray ang fit and toned abs ni Derrick.
Sulat ni Kiray sa caption, “Yown oh! Libre hawak sa abs at chest ni Derrick Monasterio! HAHAHA! Return To Paradise, malapit na!”
Nag-iwan rin ang komedyana ng comment, “Ako na nagwagi sa video na [ito]. Tabi kayo Liezel Lopez at Elle Villanueva HAHAHA.”
PHOTO COURTESY: Kiray Celis (FB)
Sa ngayon, mayroon nang mahigit 7.2 million views, 2,500 shares, at 4,900 comments ang TikTok video ng Kapuso stars.
Bukod dito, ipinamalas rin ng Sparkle artists ang kanilang dance moves sa sikat na K-pop song na “Ma Boy.”
Abangan ang world premiere ng Return To Paradise ngayong Agosto sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST PHOTOS NI KIRAY CELIS SA GALLERY NA ITO.