
Hindi na nagsayang pa ng oras ang Sparkle heartthrob na si Allen Ansay na makuha ang matamis na "oo" ng kanyang onscreen partner na si Sofia Pablo upang kanyang maging date sa gaganaping GMA Thanksgiving Gala ngayong July 30.
Isang kakaibang proposal ang ginawa ni Allen para kay Sofia na nangyari sa isang fiesta sa Bicol kung saan pagkatapos nilang mag-perform sa stage ay biglang lumuhod si Allen at sorpresang niyaya si Sofia na kanyang maging date. Makikita rin sa LED screens sa stage ang paanyaya ng aktor.
"Will you be my jolly date at the GMA Gala Night?" saad dito.
Masaya namang tinanggap ni Sofia ang proposal ni Allen at napayakap pa sa aktor dahil sa sorpresang ginawa nito. Ito rin ang unang beses na nakabisita si Sofia sa hometown ni Allen sa Bicol.
Agad naman na ibinahagi ni Allen sa Instagram ang larawan nila ni Sofia sa kanyang ginawang surprise proposal.
"She said YES," caption ni Allen sa kanyang post.
Samantala, bukod sa GMA Thanksgiving Gala, abangan din sina Sofia at Allen sa kanilang upcoming kilig-series na LUV IS: Caught In His Arms na magsisimula na sa darating na Oktubre.
Makakasama nila rito ang ilan pa sa mga bagong Kapuso stars at Sparkle GMA Artists mula sa Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.
TINGNAN ANG ILANG SWEET PHOTOS NINA ALLEN AT SOFIA SA GALLERY NA ITO: