GMA Logo The Skywatcher
What's Hot

The Skywatcher: Ang muling pagkikita nina Zandro at Charlie Wu | Week 5

By Jimboy Napoles
Published July 13, 2022 8:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 31, 2025
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

The Skywatcher


Nanaig ang pagpapatawad para kina Zandro at Claire sa kabila ng panggugulo ni Charlie Wu.

Sa ikalimang linggo ng The Skywatcher, isang matinding labanan ang naganap sa pagitan nina Charlie Wu, Zandro, at Claire.

Sa pagtakas ni Charlie Wu ay muli itong nanggulo sa mundo ng mga tao kaya naman agad siyang hinanap nina Zandro, Bryan, at Claire.

Dito ay muling napalaban si Zandro kay Charlie na nakalaban na rin niya noon sa tulay ng pagkalimot.

Sa kabilang banda, sa tulong nina Zandro, Claire, at Bryan ay natanggap na ni Isabela ang nangyari sa kanilang pamilya at nakabalik na ito sa kanilang tahanan.

Matapos naman ang panggugulo ni Charlie sa mundo ng mga tao ay tinulungan pa rin siya nina Zandro at Claire na muling makausap ang kanyang pamilya na dahilan kung bakit hindi matahimik ang kanyang kaluluwa.

Ngunit pagkatapos nito ay alam ni Zandro na may paparating pa rin na panganib sa buhay nila ni Claire.
Sundan ang kuwento ng The Skywatcher, Lunes hanggang Huwebes, 11:30 ng gabi sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG THE SKYWATCHER SA GALLERY NA ITO: