GMA Logo Sanya Lopez
Photo by: sanyalopez (IG)
What's Hot

Sanya Lopez, may pinaghahandaan nang bagong proyekto matapos ang 'First Lady'

By Aimee Anoc
Published July 14, 2022 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Handa na nga rin ba si Sanya Lopez para sa mas sexy at daring na roles?

Matapos ang success ng First Lady, may bago na raw ngayong pinaghahandaang proyekto si Sanya Lopez.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng aktres ang kanyang excitement sa bagong proyektong gagawin sa Kapuso Network.

Ayon kay Sanya, bago para sa kanya ang proyektong gagawin. Aniya, "May sunod-sunod akong project but it's still a secret kasi naniniwala pa rin ako na hangga't hindi pa tayo nagsisimula, behave muna. Pero ayun na-e-excite na ako sa bago kong gagawin ngayon."

Dagdag ng aktres, "O sige magbibigay ako ng clue, thriller po ito."

Nang tanungin kung handa na nga ba siya sa mas sexy at daring roles, agad na sinagot ng aktres, "Oo naman po."

"Lagi naman po akong handa pagdating talaga sa mga ganyang project kasi siyempre bilang aktor o aktres kailangang alam natin at handa tayo sa bawat role na ibibigay sa atin," paliwanag niya.

"Pero depende pa rin po iyon sa magiging istorya. So nakadepende pa rin kung may aral, kung maganda ba talaga 'yung story at matututo tayo ay tatanggapin ko po."

Samantala, abala ngayon si Sanya para sa kauna-unahan niyang single under GMA Music, ang "Hot Maria Clara," na mapapakinggan na simula July 15. Mapapanood din sa kaparehong araw ang music video ng kanyang debut single.

Isang post na ibinahagi ni GMA Music (@gmamusic)

TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI SANYA LOPEZ SA GALLERY NA ITO: