GMA Logo Bea Alonzo
Courtesy: beaalonzo (IG)
What's Hot

Bea Alonzo reveals she's just borrowing clothes from neighbors during her early years in showbiz

By EJ Chua
Published July 14, 2022 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Alonzo


Bea Alonzo, ibinahagi ang iba pang mahirap na pinagdaanan niya noong isa pa lamang siyang newbie sa entertainment industry.

Nang maimbitahan si Bea Alonzo bilang guest sa podcast na "Updated with Nelson Canlas," ibinahagi niya rito ang ilang mga pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng show business.

Unang ikinuwento ni Bea sa host na si Nelson Canlas, na nagsimula lang siya noon bilang extra sa ilang mga programa.

Ngunit bukod dito, nagbalik-tanaw din ang Start-Up Ph actress sa mahihirap na sitwasyon na naranasan niya kahit sa simpleng wardrobe na kailangan niya sa tapings.

Pagbabahagi niya, “Noong time namin wala kaming cutoff, nung time namin wala kaming stylist, so we had to do everything for ourselves, like pag sinabi na 50 sets of pambahay, ganyan gagamitin as in maghahalughog ka kasi 'pag normal na tao ka wala ka namang 50 sets na pambahay. Parang, I remember, halimbawa sasabihin nila 25 sets of panglakad. Tinitingnan ko 'yung closet ko, parang tatlong maong na pantalon lang meron ako. Saan ako kukuha ng 25?”

Dahil wala pa silang gaanong kakayahan noon na bumili ng napakaraming damit--malayo sa estado ng buhay ni Bea ngayon, nasubukan pa raw nilang manghiram sa kanilang kapitbahay para lang may magamit siya noon sa kaniyang projects.

Kuwento ng Kapuso actress, “Kumakatok kami sa mga kapitbahay namin gano'n, tapos magpapahiram naman sila. Mababait sila kasi gusto nila makita sa TV 'yung damit nila ganun, as in nanghihiram lang kami.”

Ayon pa sa aktres, kapag wala silang mahiram ng mga kailangang damit ay dumadayo pa sa Divisoria ang kaniyang ina upang bumili.

“Tapos 'yung nanay ko before nung medyo kumikita na pero maliit lang suweldo ko noon… Bago pa magbukas 'yung divisoria nandoon na siya kasi doon siya bibili ng mga damit pang taping, as in bago kami mag-taping bibili siya kasi doon mura,” pagbabahagi niya.

Kahit isa na siya sa mga tinitingalang aktres sa Philippine entertainment industry, tila nananatili pa ring humble at mabuting tao si Bea Alonzo dahil na rin sa paglingon niya sa mga pinagdaanan niya noon.

Ngayong taon, mapapanood ang aktres sa upcoming drama series na Start-Up Ph, kung saan makakasama niya sina Alden Richards, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales at iba pang Kapuso stars.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SEXIEST LOOKS NI BEA ALONZO SA GALLERY NA ITO.