
Usap-usapan ngayon ang fiery performance nina Alden Richards at Bea Alonzo sa finals night ng isang fitness competition na dinaluhan din ng ilang celebrities na ginanap noong July 13.
Bukod sa kanilang production number, ibinida rin ng Start-Up Ph stars ang kanilang fit na fit na mga katawan on stage.
Sa latest interview ng 24 Oras kay Bea, ibinida niyang humanga siya sa confidence ng kaniyang fellow Kapuso na si Alden sa kanilang successful dance number.
Pagbabahagi ni Bea, “Actually, kinabahan ako to be honest kasi na-realize ko ang tagal ko nang hindi sumasayaw. So, parang mga 10 years ago 'yung totoong prod. Pero si Alden, he is so confident kasi, he is really a dancer. So, I guess ako 'yung mas kinabahan more than him.”
Bukod sa pagiging fitspiration sa maraming Pinoy bilang endorsers ng iba't ibang brands, abala rin sa tapings sina Bea at Alden para sa pinakaunang television drama series na kanilang pagsasamahan.
Masayang ibinahagi ng aktres na masaya siya sa set ng Philippine adaptation ng hit Korean Netflix series na Start-Up.
Kasunod nito, ikinuwento rin ng Kapuso actress na bukod sa star-studded cast, kaabang-abang din ang Filipino flavor na inihalo ng production sa naturang drama series.
“Very rewarding siya because masaya naman 'yung set namin and I love working with everyone. Masaya ako because it is my first Korean title na gagawin for the Filipino crowd,” aniya. “We made it uniquely Filipino. Siyempre ano… may kaibahan 'yung sensibilities ng Koreans sa Filipinos and to make it our own talaga mayroon kaming mga twist na nilagay and kaunting spice.”
Panoorin dito ang latest interview ni Bea Alonzo:
Abangan ang nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Ph sa GMA Telebabad!
TINGNAN ANG SEXIEST PHOTOS NI BEA ALONZO SA GALLERY NA ITO: