What's Hot

Pen Medina, nakatakda nang operahan sa kanyang likod

By Marah Ruiz
Published July 18, 2022 2:10 PM PHT
Updated July 18, 2022 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP: Over 270K cops, non-uniformed personnel to get P20k incentive on Dec. 19
Disasters afflict 720,000 students, teachers in Cebu in 2025
Oscars to begin streaming on YouTube in 2029

Article Inside Page


Showbiz News

Pen Medina donation


Tatlong linggo nang nasa ospital si Pen Medina dahil sa sakit sa kanyang gulugod o spinal column.

Hirap tumayo o umupo ang beteranong aktor na si Pen Medina dahil sa degenerative disc disease na nagdudulot ng matinding sakit sa kanyang likod.

Dahil dito, tatlong linggo nang nasa ospital dahil ang aktor.

Ipinaliwanag naman ng kanyang anak na si Kathleen Medina ang kundisyon ni Pen.

"Tinawagan ko siya actually noong Father's Day. Nag-video call ako tapos nakita ko medyo kakaiba siya, parang he was out of it a little bit. 'Yun na 'yung nagtanong na ko if kailangan ba siyand dalhin sa ospital. Noong dumating na kami doon sa hospital, apparently, he twisted his back daw sa banyo. Tapos he hasn't been able to get up from the couch ever since that night," kuwento ni Kathleen.

Akala nila slipped disc lang pero apektado ang buong spinal column ni Pen.
"Luma na talaga 'yung buto niya, wala nang fluid. The pain was coming from pagka nagtatamaan 'yung discs niya sa spine. Eventually we also saw that there was a pinched nerve there and that's why it was gettng worse," lahad niya.

Nakatakda naman daw operahan sa kanyang likod si Pen ngayong linggo. Ayon kay Kathleen, nais daw ng aktor na balikan ang kanyang "first love" matapos ang operasyon bilang pag-aalaga na sa kanyang mental health habang nagpapagaling.

"Lagi niyang sinasabi na he really wants to go back into painting kasi 'yun talaga 'yung first love niya. I think he's also looking at the possiblity na baka hindi siya mag-taping for the foreseeable future. He's been asking us to help him mount an exhibit. He's very talented," bahagi niya.

Lubos daw ang pasasalamat ng kanilang pamilya sa mga tumulong at sumuporta kay Pen.

"Overwhelmed kami. Sobrang nagpapasalamat kami sa mga tumulong," mensahe ni Kathleen.

Panoorin sa video sa itaas ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras tungkol sa kundisyon ni Pen Medina.

SAMANTALA, SILIPIN SA GALLERY NA ITO ANG ILANG CELEBRITIES NA MAY KAKAIBANG MEDICAL CONDITIONS: