
Sa ikalawang linggo ng Prophecy of Love, muling nalagay sa panganib ang buhay ni Rose nang may manloob sa apartment nito at sinakal siya ng lubid.
Mabuti na lamang ay agad siyang nailigtas ni Timothy pero nabigo pa rin sila na mahuli ang suspek.
Pilit namang itinanggi ni Nikolai ang paratang sa kanya ni Timothy na siya ang nag-utos na ipapatay si Rose.
Para hindi na muling mapahamak si Rose, inalok ni Timothy ang manghuhula na sa bahay na lamang niya pansamantalang manirahan. Agad namang pumayag si Rose sa alok ng aktor matapos na makita sa mga rosas na wala itong masamang binabalak sa kanya.
Subaybayan ang Prophecy of Love, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Prophecy of Love:
Prophecy of Love: Nikolai knows Rose's room number | Episode 6
Prophecy of Love: Timothy accuses Nikolai | Episode 7
Prophecy of Love: Timothy wants Rose to stay in his house | Episode 8
Prophecy of Love: Rose wants to see the real intention of Timothy | Episode 9
Prophecy of Love: Layla's secrets unfold | Episode 10