
Nasa Basel, Switzerland na ngayon si Bolera actress Kylie Padilla para sa kanyang bagong proyekto.
Sa Instagram, ipinakita ni Kylie ang ganda ng siyudad mula sa tinutuluyan nito.
"Good morning, beautiful Basel," sulat ng aktres na may hashtag na "Unravel."
Ang Unravel, ang upcoming film ng aktres kasama ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Sa pelikulang ito ng Mavx Productions, Inc., pagbibidahan nina Kylie at Gerald ang mga karakter nina Lucy at Noah.
Una nang ibinahagi ni Kylie ang excitement para sa bagong karakter na kanyang gagampanan. Aniya, "One thing I can say without saying too much is this character scared me but this story already holds a special place in my heart. See you soon Lucy."
Samantala, kasalukuyang napapanood si Kylie bilang si Joni sa sports drama series ng GMA na Bolera kung saan kasama niya sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, Joey Marquez, Jaclyn Jose, at David Remo.
NARITO ANG ILAN PANG KAPUSO-KAPAMILYA ONSCREEN PAIRINGS: