
Sa loob ng mahigit 10 taon sa larangan ng show business, hindi maikakailang marami nang natutunan ang tinaguriang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards pagdating sa pag-arte at pagtatrabaho.
Kaya naman, dahil sa kagustuhan niyang maibahagi ang ilan sa mga ito, nagsagawa si Alden ng isang workshop-seminar para makatulong sa bagong GMA artists.
Ngayong araw, July 19, pinangunahan ng Start-Up Ph lead actor ang SpARkle 101 Professionalism and Work Ethic Workshop na naganap sa isa sa rehearsal rooms ng GMA Network.
Pagbabahagi ni Alden, " I wanted to talk to the news artists ng Sparkle and gusto ko kahit papaano maka-impart ng wisdom and knowledge kasi I've been in the business for 11 years."
Ilan sa mga gusto ng aktor na matutuhan ng mga nagsisimula pa lang sa pagaartista ay mga kaugaliang hanggang ngayon ay patuloy niyang ina-apply sa kaniyang sarili bilang isang aktor.
Isa na rito ang tungkol sa punctuality at pagrespeto sa kapwa mga kasama sa showbiz.
Sa kalagitnaan ng workshop-seminar, ibinahagi rin ni Alden na ang pagbaba-budget ng kinikita sa trabaho ang isa sa mga seryosong bagay na dapat ay pagtuunan ng pansin ng mga artista.
Nagkaroon din ng question and answer portion, kung saan naenjoy ni Alden ang pagsagot sa ilang katanungan ng participants.
Nagkaroon din ng pagkakataong makapag-picture-taking ang ilang Sparkle talents kasama si Alden pagkatapos ng naturang workshop:
SAMANTALA, SILIPIN ANG CAREER HIGLIGHTS NI ALDEN RICHARDS SA GALLERY SA IBABA: