GMA Logo John Lloyd Cruz Cinemalaya
Source: Gab Garces / Cinemalaya
What's Hot

John Lloyd Cruz works as a photographer for Cinemalaya

By Jimboy Napoles
Published July 20, 2022 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

John Lloyd Cruz Cinemalaya


Si John Lloyd Cruz ang mismong kumuha ng portraits ng 18 filmmakers ng Cinemalaya 2022.

Proud na ibinahagi ng Cinemalaya 2022 na ang aktor na si John Lloyd Cruz ang kanilang naimbitahan upang maging official photographer na kukuha ng portraits ng mga direktor na kasali sa nasabing film competition ngayong taon.

Sa Facebook, inilabas ng Cinemalaya ang ilan sa mga behind-the-scenes photos mula sa naging pictorial ng mga direktor kasama si John Lloyd.

Ayon pa sa independent film body, dalawang araw nakasama ng 18 filmmakers ang Happy ToGetHer actor upang kuhaan sila ng portraits.

Nakatakdang ilabas ang mga kuha ni John Lloyd sa August 5, kasabay ng pagbubukas ng Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise sa Cultural Center of the Philippines.

Ngayong Miyerkules naman ilalabas ang detalye kung paano makakakuha ng ticket o festival pass para sa nasabing film competition.

SAMANTALA, MAS KILALANIN NAMAN SI JOHN LLOYD SA GALLERY NA ITO: